Suplay ng tubig sa mga lugar na sakop ng Manila Water, bumabalik na sa normal

Unti-unti ng naibabalik ng Manila Water ang supply ng tubig sa mga lugar na kanilang sineserbisyuhan.

Ayon kay Jeric Sevilla, pinuno ng corporate communication office ng Manila Water, naibalik na ang supply ng tubig sa Pasig, Mandaluyong at Quezon City.

Gayunman, mayroon pa rin aniyang mga lugar na patuloy na nakakaranas ng water interruption.


Aminado naman si Sevilla na wala pang katiyakan kung kelan talaga magbabalik sa normal ang kanilang serbisyo.

Sa katunayan, sinabi ni Sevilla na nakikipag-ugnayan na sila sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (mwss), National Water Resources Board at sa Maynilad.

Facebook Comments