Naibalik na ang suplay ng tubig sa ibang lugar na sineserbisyuhan ng Maynilad.
Ito ay matapos magkaroon ng water interruption sa ilang lugar sa Luzon kabilang ang Maynila, Parañaque, Las Piñas, Pasay, Makati at ilang lugar sa Cavite tulad ng Bacoor, Imus, Kawit, Noveleta at Rosario na naganap mula October 29 hanggang kahapon, November 1.
Alas-3:00 ng hapon kahapon nang maibalik sa suplay ng tubig taliwas sa sinabi ng Maynilad na maaari pa itong ma-extend ng tatlo hanggang limang oras.
Mula sa 65 ay nasa 69 water tankers na ang tumulong na magrasyon ng tubig katuwang ang mga lokal na pamahalaan, Bureau of Fire Protection (BFP) at mga fire volunteer.
Sa ngayon, kumpleto na ng DPWH ang ang pagputol at pagtanggal sa tubo na kinakailangang alisin upang bigyang-daan ang drainage para sa flood control project.