Manila, Philippines – Patuloy ang pagbulusok ng imbentaryo ng bigas sa bansa.
Sa bagong datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), nitong marso ay nasa 1.7 million metric tons (MT), mababa sa 1.8 million MT na naitala noong Pebrero.
Mas mababa rin kumpara sa 2.2 million MT sa kaparehas na panahon noong 2017.
Ayon sa PSA, magtatagal ang stock ng bigas sa loob ng 50 araw.
Ang National Food Authority (NFA) naman ay wala ng supply sa kanilang warehouses kung saan dapat mayroong 15-day buffer stock.
Darating naman sa susunod na buwan ang emergency importation ng 250,000 MT na bigas.
Facebook Comments