Naibalik na ang suplay sa kuryente sa ilang lungsod at bayan sa Albay, Bicol matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Rolly.
Ayon kay Albay Gov. Al Bichara, nasa 70 percent nang naibalik ang suplay ng kuryente sa Legazpi City, Daraga, Camalig at Sto. Domingo gamit ang Bac-Man Geothermal Power Plant.
Habang aabot sa 230 na linemen ang nagtutulong-tulong para sa pagbabalik ng kuryente sa District 1 at 3.
Sa ngayon, i-aanunsyo pa ng Albay Power and Energy Corporation (APEC) kung kailan ang target date para sa pagbabalik ng power supply sa Ligao City at Tabaco City.
Maaari namang abutin ng hanggang isang buwan bago mabalik ang kuryente sa Malinao station na nagsusuplay sa Tiwi at Malinao.
Facebook Comments