Suporta at alternatibong mapagkakakitaan para sa mga mangingisda na apektado ng oil spill sa Bataan, panawagan ng isang kongresista sa gobyerno

Nananawagan si Agri Party-list Representative Wilbert “Manoy” Lee sa pamahalaan na agad magkaloob ng kailangang suporta at alternatibong kabuhayan sa halos 19,000 mangingisda na apektado ng oil spill sa Bataan.

Sa inihaing House Resolution No. 1825 ay hiniling ni Lee sa gobyerno na magsagawa ng assessment sa epekto ng naturang oil spill sa kalikasan at kabuhayan ng mga mangingisda at sa mga residente sa Limay, Bataan.

Sabi ni Lee ito ay para agarang makapaglatag ng mga hakbang at tulong sa mga apektadong komunidad at matukoy ang mga dapat managot sa insidente.


Mungkahi ni Lee gamitin ang iba’t ibang programa ng gobyerno para magkaroon ng pagkakakitaan ang mga apektado ng oil spill tulad ng TUPAD o tulong panghanapbuhay sa ating disadvantaged / displaced workers.

Suhestyon din ni Lee na alamin ang coverage ng insurance ng barkong tumaob at igiit ang pagbibigay nito ng kompensasyon sa mga mangingisda at residente para sa pangmatagalang epekto sa kanilang kabuhayan at pamumuhay ng insidente.

Facebook Comments