Suporta at pagbati para sa bagong PNP chief, tiniyak ng ilang kongresista

 

Isang mainit at masiglang pagbati ang ipinaabot ng ilang kongresista sa bagong talagang hepe ng Philippine National Police o PNP na si Pgen. Rommel Francisco Marbil.

Ayon kay House Minority Leader at 4Ps Party-list Rep. Marcelino Libanan, ang pagsisikap at dedikasyon ni Marbil sa paglilingkod sa bayan ay isang inspirasyon sa lahat ng mga kawani ng PNP at sa buong sambayanan.

Bunsod nito ay umaasa si Libanan na sa panahon ng pagbabago at mga hamon sa seguridad ay magagampanan ni Marbil ang kanyang tungkulin nang may katapatan, kahusayan at patas na pagtrato sa lahat.


Tiniyak naman ni Iloilo City Rep. Julienne Jam Jam Baronda ang suporta sa inisyatibo ni Marbil para maproteksyunan ang mamamayang Pilipino.

Si Deputy Majority Leader at TGP Party-list Rep. Bong Teves Jr., naman ay nagsagawa pa ng courtesy visit at personal na binati si Marbil na kanyang fraternal brother sa Tau Gamma Phi.

Facebook Comments