Suporta at partisipasyon ng kabataan, mahalaga sa peace process!

“Importante ang papel na gagampanan ng kabataan sa Peace and Development”.
Ito ang binigyang diin ni Nasiri Abas sa isinagawang Bangsamoro Youth Leadership Training kamakailan.
Sa lecture hinggil sa “The Role of Youth in Peace and Development”, tinalakay ni Abas ang iba’t- ibang roles ng kabataan na maaring gampananan sa konteksto ng Bangsamoro struggle, kabilang dito ang buong lakas na pagsuporta sa peace process, pangangasiwa sa frustration ng maraming Bangsamoro, pangangasiwa sa kahinaan ng kabataan sa pagsanib sa violent extremism, pag-reachout sa peace spoilers at tumulong na ihanda ang Bangsamoro.
Dapat na makialam ang kabatan sa peace process dahil kahit na madaling pagsamantalahan ay maari silang maging instrumento para sa pagbabago.
Ang kabataan ang pag-asa ng Bansamoro at kailangan nilang makilahok sa pakikibaka dahil kung hindi mareresolba, ang problema ngayon ay maipapasa sa susunod na henerasyon dagdag pa ni Abas.(photo credit:milfofficialwebsite)

Facebook Comments