Manila, Philippines – Nakatanggap ng tulong mula sa Dangerous Drugs Board ang ilang mga lokal na pamahalaan na nagpakita ng mahusay na nagampanan sa kampanya laban sa illegal na droga ng Duterte administration.
Ang suportang pondo ay magagamit sa maintenance at rehabilitation ng mga rehabilitation centers.
Gayundin ang gagamiting subsistence allowance ng mga pasyente na dadalhin sa center.
Kabilang sa nabigyan ng assistance ay ang mga Provincial Government ng Tarlac, Compostela Valley, Ifugao,Malabon, Lucban at Dingalan, Aurora.
Labing apat naman na 14 Treatment and Rehabilitation Centers ang nabigyan din ng assistance .
DOH-TRC Bicutan, Region I, Tahanan ng Kabataan, Cebu City, Cagayan de Oro,CARAGA, Argao, Dagupan, Salag, Camarines Sur, Iligan, Misamis Occidental, Negros Occidental, and Malinao.