SUPORTA | Heartwarming messages para kay Sarah G, bumuhos matapos siyang mag-breakdown sa kanyang concert sa Las Vegas

Manila, philippines – Buhos ngayon ang mga suporta at heartwarming messages ng mga taga-hanga at kaibigan sa industriya ng singer na si Sarah Geronimo.

Kasunod ito ng balitang pag-iyak ng popstar royalty sa “This 15 Me” concert niya sa Las Vegas kahapon.

Nauna nang nag-post sa kanyang instagram ang boyfriend ni Sarah na si Matteo Guidicelli na ngayo’y humakot na ng mahigit 150,000 likes at 9,000 comments.


Kabilang sa mga nag-comment ang malalapit nilang kaibigan gaya nina Erik Santos, Paolo Valenciano, Jed Madela, Nico Bolzico, Kaye Abad, Bianca Gonzales At Donna Cruz.

Nagpaabot din ng paghanga ang dating the voice trainees na sina Klarisse De Guzman at Kyle Echarri, concert director niya na si Paul Basinillo, VIVA writer Rhadson Mendoza, paboritong back-up dancer ni sarah na si Gelai Aguzar at ang self-confessed popster na si Kakai Bautista.
Mas nadagdagan naman daw ang respeto ng aktor na si Marvin Agustin kay Sarah matapos na mapanood ang video ng pag-breakdown ng singer.

Facebook Comments