Suporta laban sa crackdown ng mga progresibong grupo, dumarami pa sa Kamara

Dumarami na ang bilang ng mga Kongresista na sumusuporta sa panawagan na itigil na ang crackdown sa mga progresibong grupo na ini-u-ugnay na kalaban ng gobyerno.

 

Aabot na sa 78 na mga kongresista ang pumirma sa manifesto of support.

 

Nangunguna si House Minority Leader Benny Abante sa mga pumirma para suportahan ang paglaban sa crackdown sa mga progressive groups tulad ng makabayan.


 

Isa ang makabayan na binubuo ng Bayan Muna, Gabriela, Kabataan, ACT-Teachers, at Anakpawis sa tinutugis ng gobyerno at iniuugnay sa terorismo.

 

Hinihiling sa manifesto na suportado ng mga myembro ng kamara na itigil na ang crackdown na ginagawa sa kanila.

 

Ang makabayan ay bahagi ng minorya sa Kamara at itinuturing na fiscalizers ng administrasyon.

 

Anuman anila ang kanilang ideolohiya ay paniniwala na salig at sumusunod naman sa batas ng bansa ay dapat na igalang at protektahan.

Facebook Comments