Suporta mula sa pamilya, susi sa pagtatagumpay ng Mommy JC Food Services

Pinatunayan ng businesswoman na si Juliet Chico na isa sa susi ng matagumpay na negosyo ang suporta at tulong mula sa kaniyang kapamilya.

Sa segment na Business as Usual sa Usapang Trabaho ng RMN DZXL Radyo Trabaho, ibinagi ni Juliet, may-ari ng Mommy JC Food Services, na isa sa nagtulak sa kaniya na pasukin ang food industry ay ang kaniyang mga anak.

Kwento pa ni Mommy JC, nagsimula lamang ang kaniyang negosyo sa mga pagsali sa Bazaar hanggang sa dumami na ang kanilang parokyano at kalauna’y nakapagpundar na para sa puwesto.


Ibinida rin niya na pang-masa ang kanilang mga panindang ulam na pasok sa panlasa at bulsa ng publiko na dahilan kaya binabalik-balikan ang kaniyang mga produkto.

Pagdating naman sa kaniyang mga made-to-order menu, dumedepende raw ni Mommy JC sa budget ng kaniyang customers dahil marami kasi sa kaniyang mga kliyente ang gusto ng affordable pero masarap na pagkain.

Sa ngayon, nag-aalok din ang Mommy JC Food Services ng catering services, food deliveries at made-to-order delicacies.

Facebook Comments