Suporta ng DepEd sa mga guro sa gitna ng distance learning, hindi sapat ayon sa isang survey

Karamihan ng guro sa bansa ay hindi nasisiyahan sa natatanggap na suporta mula sa Department of Education (DepEd).

Batay sa survey na isinagawa ng advocacy group na Movement for Safe, Equitable, Quality, and Relevant Education, 70% ng mga guro ang nakakakita ng pagkukulang sa suporta ng DepEd sa gitna ng pagpapatupad ng distance learning.

Ilan sa mga nakitang problema ay ang pamamahagi at pagkolekta ng modules, pagsasanay para sa remote learning at ang gastos sa mga online class.


Tinatayang nasa 1,278 ang sumagot sa survey na pawang mga elementary at high school teachers mula sa mga pampublikong paaralan.

Facebook Comments