Labis-labis ang kasiyahan na ipinaabot ng PESO Mandaluyong sa ipinaabot na suporta ng Radyo Trabaho Team ng DZXL upang ipaabot sa publiko ang nga programa ng Mandaluyong City Government na may kinalaman sa trabaho.
Ayon kay PESO Manager Emma Javier, napakalaking tulong ng Radyo Trabaho Team ng DZXL para maiparating sa taongbayan ang lahat ng kanilang mga programa na may kinalaman sa trabaho.
Hindi aniya magtatagumpay ang kanilang mga programa sa trabaho kung walang tulong o suporta mula sa Radyo trabaho Team ng DZXL upang mabigyan ng trabaho ang mga residente at estudyante sa Mandaluyong City.
Paliwanag ni Javier simula pa lamang ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Radyo Trabaho Team ng DZXL ay nakitaan na nila ng magandang resulta dahil marami ang tumugon sa kanilang panawagan upang magkakaroon ng On the Job Training ang mga Senior High School.
Giit ni Javier, malaking tulong ang Work Immersion Program ng DepEd para sa mga mag-aaral upang maturuang humawak ng pera ang mga estudyante at pahahalagahan nila ang bawat perang kanilang gagastusin.