Ikinalugod ni Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez ang pahayag ng G7 na sumusuporta sa 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration at nagsasawalang bisa sa maritime claims ng China sa South China Sea.
Ang G7 ay grupo ng mga mauunlad na bansa na kinabibilangan ng United States, Canada, United Kingdom, France, Germany, Italy at Japan.
Tiwala si Rodriguez na ang pahayag ng G7 ay magpapalakas sa posisyon ng Pilipinas na dapat respetuhin ng China ang 2016 ruiling at kilalanin ang ating territorial sovereignty sa mga isla, katubigan at mga yamang-dagat.
Bunsod nito ay muli ring nanawagan si Rodriguez sa Marcos administration na simulan nang i-explore ang natural gas at crude oil sa Recto Bank o Reed Banks sa Palawan na sakop ng ating exclusive economic zone o EEZ.