Suporta ng Germany, malaking tulong sa pagprotekta ng karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea

PHOTO: Presidential Communications Office

Tiwala si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na malaki ang maitutulong ng suporta ng Germany para maproteksyunan ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea alinsunod sa international law sa gitna ng pagiging agresibo ng China.

Sinabi ito ni Romualdez makaraang ihayag nina Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at German Chancellor Olaf Scholz sa isang joint press conference ang kahalagahan na mangibabaw ang international laws, partikular ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Tinukoy ni Romualdez na lumagda din ang dalawang bansa sa isang Joint Declaration of Intent on Strengthening Cooperation in the Maritime Sector.


Ikinalugod ni Romualdez na may konkretong aksyon ang suporta ng Germany dahil mula pa noong 1974 ay tumutulong na ang Germany sa pagsasanay ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines at sumusuporta sa pagpapalakas ng Philippine Coast Guard.

Facebook Comments