Iginiit ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee na hindi dapat mabahiran ng politika ang mga tulong na ipinagkakaloob ng pamahalaan sa mga magsasaka.
Diin ni Lee, kailangang kailangan ng agriculture sector tulong at obligado ang gobyerno na ibigay ang tulong na kailangan ng mga Pilipinong magsasaka.
Sinabi ito ni Lee makaraang mabatod na may mga pagkakataon na naiipit ang mga assistance para sa farmers’ groups dahil hindi nila kasundo ang mga opisyal.
Ayon kay Lee, may mga subsidy at iba-ibang tulong ang gobyerno para sa magsasaka na nilalaanan ng pondo ng Kongreso pero nakakalungkot na hindi nagagamit dahil sa dami requirements.
Pahayag ito ni Lee sa pagdalo sa 1st National Credit Surety Fund Cooperative Congress na ginanap sa Cebu.
Facebook Comments