Suporta ng Malaysia sa pagpapaganda ng sektor ng agrikultura nakuha ni PBBM

Susuporta ang bansang Malaysia sa Pilipinas para sa pagpapaganda pa ng sektor ng agrikultura.

Ito ang nakuhang pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Malaysia matapos ang isinagawang roundtable meeting na may kaugnayan sa tatlong araw na state visit ni Pangulong Marcos Jr., sa Malaysia.

Ayon kay Pangulong Marcos, mahalaga ang agrikultura sa Pilipinas kaya masaya syang magkakaroon ng partner ang bansa patungkol sa agrikultura lalo sa biotech.


Sa roundtable meeting rin, isang Memorandum of Understanding ang pinasok ng mga kompanya sa Pilipinas at Malaysian counterparts nito na makakatulong sa pagpapaangat pa ng kalakalan at pagnenegosyo sa sektor ng agrikultura.

Naniniwala si Pangulong Marcos na sa pagtutulungan ng Malaysia at Pilipinas sa usapin ng agrikultura ay makakatulong ito sa pagresolba sa problema ng mga magsasaka sa bansa partikular ang swine flu at avian flu.

Sa pagbisita ng pangulo sa Malaysia inihayag nito kung paano lubhang naapektuhan ang agricultural commodities ng bansa dahil sa COVID-19 at gulo sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Kaya naman mananatili aniya ang pagtatrabaho ng pamahalaan para sa anunamang klase ng pag-uland lalo na usapin ng agricultural sa bansa.

Facebook Comments