Todo ngayon ang panawagan ng Israeli Embassy sa Manila sa mga kaalyadong bansa na suportahan ang Israel at kondenahin ang mga pag-atake dito.
Aniya, ang Israel ay may ganap na karapatan na tumugon at protektahan ang naturang bansa.
Responsibilidad din aniya ng naturang pamahalaan na bigyan ng kaligtasan at matiyak ang mga mamamayan at dayuhan na naninirahan sa Israel.
Sinabi ni Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss na sa ngayon, ang malawakang terror attacks ay nagdulot ng mahigit 250 Israeli casualties, mahigit 1,600 naman ang nagtamo ng mga sugat at mahigit sa 100 Israelis ang dinukot at binihag bilang mga hostage sa Gaza.
Facebook Comments