Hiling ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) sa mga stakeholders na suportahan ang gobyerno para maiangat pa ang Philippine rice industry sa bansa at manatili ang rice value chains.
Ginawa ng pangulo ang pahayag matapos na bumisita sa International Rice Research Institute (IRRI) Headquarters sa Los Baños, Laguna kanina.
Ayon sa presidente, kinakailangan nang ma-adopt ang mga polisiyang makakatulong para ma-modernize ang rice sector na bahagi ng vibrant agri-food industry sa bansa.
Sinabi pa ng pangulo na marami nang mga makabagong teknolohiya ang sasagot sa problema sa agrikultura.
Ang mga teknolohiya aniyang ito ay makakatulong din sa mga magsasakang Pilipino.
Umaasa ang pangulo na mas magiging matatag ang partnership ng gobyerno sa IRRI hindi lang para sa pagkakaroon ng kaalaman patungkol sa rice varieties, new techniques sa halip para magkaroon ng mas maraming kaalaman para harapin ang mga isyu sa agricultural sector particular sa rice lands sa Pilipinas.