Masayang-masaya sina Carlos Yulo, Aira Villegas, at Nesthy Petecio sa mainit na pagsalubong sa kanila at sa iba pang atleta ng mga Pilipino.
Mas nakita daw ng mga atleta ngayon ang suporta ng pamahalaan, kumpara sa mga nagdaang administrasyon.
Sa Malacañang Insider, kinwento ni Yulo ang mga pagsisikap niya para makamit ang tagumpay gayundin ang naging pag-uusap nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sabi naman ni Nesthy Petecio, mas binigyan ng halaga at parangal ang mga atleta ngayon kaya nagpapasalamat sila sa administrasyon kung papaano itrato ang mga atleta.
Kung noon daw ay sinasabihan silang “atleta lang kayo,” ngayon ay ipinaparamdam sa kanila na kabilang na sila sa mga bayani ng Pilipinas.
Hiling lang ng mga atleta na magtuloy-tuloy ang suporta ng pamahalaan, hindi lang sa kanilang mga Olympians, kundi maging sa mga atleta na nagsisimula pa lang.