Manila, Philippines – Muling humihingi ng patuloy na suporta ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines sa publiko.
Ito ay sa harap na rin ng hiling ng Pangulong Rodrigo Duterte sa senado at kongreso na palawigin pa ang martial law sa Mindanao hanggang sa Dec. 31 2017.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo napakahalaga sa mga panahong ito ang pakikiisa at suporta ng publiko.
Sakali raw na maaprobahan ang extension ng martial law sa Mindanao makakatulong ito upang mas magampanan ang kanilang trabaho lalo na sa paglaban sa mga terorista.
Importante rin aniya ang extension ng martial law sa gagawing rehabilitasyon sa Marawi City.
Tiniyak naman ni Arevalo na hindi maabuso ang pagpapalawig ng martial law, mananatili aniya ang kanilang adhikaing walang malalabag na karapatang pantao.
Una na aniya, nagbigay ng assessment sa sitwasyon sa Marawi ang AFP kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ni Defense Sec. Delfin Lorenzana.
Ang lahat aniya ng sitwasyon o mga kaganapan na ipinarating ng AFP kay pangulo ang naging basehan nito para hilingin sa kongreso at senado ang extension ng martial law.
Sa huli sinabi pa ni Arevalo na kung ang isang pilipinong sumusunod sa lahat batas na ipinatutupad ng bansa ay wala itong magiging problema kahit pa muling palawigin ang martial law partikular sa Mindanao.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558