Suporta ng publiko sa sundalo, pinaghuhugutan ng inspirasyon sa pakikipagbakbakan sa Marawi City

Marawi City – Ibinida ng Pamahalaan na mataas and morale ng mga sundalo hindi lang sa Marawi City kundi sa buong Mindanao.

Sa Mindanao Hour sa Malacañang ay sinabi ni Armed forces of the Philippines Spokesman Brigadier General Restituto Padilla na ang inspirasyon ng mga sundalo ay mula sa patuloy na suporta na ibinibigay ng Publiko.

Ngayon aniya ay patuloy ang pagabante ng mga sundalo para matapos na ang problema sa Marawi City at umaasang matatapos na ang bakbakan sa lungsod sa lalong madaling panahon.


Sinabi din ni Padilla na sa ngayon ay patuloy ang malawakang konsultasyon ng Militar sa mga stakeholders para sa early recovery ng Marawi City.

Paliwanag ni Padilla, maaari namang magsimula ang early recovery sa lungsod kahit nagpapatuloy ang bakbakan tulad nalamang sa mga resettlement areas na malayo sa commercial center ng Marawi kung saan nagbabakbakan.

Facebook Comments