Suporta ng Senado sa Amnesty Proclamation ng pangulo, ikinagalak ng OPAPRU

 

Nagpapasalamat si Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr., sa Senado sa kanilang pagsuporta sa Amnesty Proclamation ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa mga dating Rebelde.

Ayon kay Sec. Galvez, dahil sa suporta ng Senado ay kumpyansa sya na malapit nang maipatupad ang Amnestiya sa mga dating rebelde.

Nabatid na si Sen. Jinggoy Ejercito Estrada, chairperson ng Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation, ang nag-sponsor ng apat na hakbang sa mataas na kapulungan na nagkakaloob ng amnestiya sa mga miyembro ng iba’t ibang rebeldeng grupo.


Habang nagboluntaryo naman si Senate Deputy Minority Leader Sen. Risa Hontiveros na i-co-sponsor ito.

Matatandaang una naring inaprubahan ng House of Representatives ang apat na House Concurrent Resolutions na nagkakaloob ng amnestiya sa Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade, Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front, Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front.

Facebook Comments