Friday, February 27, 2026

Suporta ni Rep. Defensor sa impeachment complaint laban kay VP Sara, hindi matitinag kahit posibleng hindi ito katigan ng kaniyang partido

Mananatili ang suporta ni Senior House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Lorenz Defensor sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa kabila ito ng statement ng kinaaniban niyang National Unity Party (NUP) na kung walang mga bagong ebidensya na lalabas laban kay VP Sara ay posibleng hindi nila suportahan ang pagpapa-impeach sa kanya.

Ayon kay Defensor, na kabilang din sa miyembro ng House Prosecution Team, hindi sya nakonsulta kaugnay sa nasabing isinapublikong pahayag ng NUP na may lagda ng secretary general nito na si Reginald Velasco.

Para kay Defensor, muli syang boboto pabor sa impeachment complaint laban kay VP Duterte lalo na sa isyu ng pagkuha umano nito ng papatay kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr, First Lady Liza Araneta Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Nagpapasalamat naman si Defensor, dahil nirerespeto ng NUP ang kanyang prinsipyo at independence sa iba’t ibang mga usapin sa bansa tulad ng impeachment laban sa bise presidente.

Facebook Comments