Suporta para kay VP Leni, mas lumalakas at tumitibay isang buwan bago ang halalan

Dumagsa ang nasa 220,000 na taga-suporta ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa People’s Rally sa Pampanga nitong Sabado, April 9.

Ito na ang pinakamalaking rally na idinaos magmula nang mag-umpisa ang kampanya.

Patunay ito na lumalakas at tumitibay ang suporta ng mga tao para kay Robredo dahil saan man siya magpunta sa Luzon, Visayas at Mindanao ay napakalaking mga People’s Rally ang sumasalubong sa kanya.


Matatandaan na malaki rin ang tinaas ni Robredo sa pinakahuling Pulse Asia survey.

Pangako ni Robredo na kapag siya ay nahalal magiging presidente siya ng lahat ng Pilipino maging sinuman ang kanilang sinuportahan sa eleksyon.

Mamahalin niya ang bawat probinsya gaya ng pagmamahal niya sa Camarines Sur, ang probinsyang pinanggalingan niya.

Isa sa mga pagtutuunan ni Robredo ng pansin ay ang edukasyon.

Aniya, hindi lang scholarship o tuition ang dapat prayoridad ng gobyerno kundi maging ibang pangangailangan ng mga estudyante kagaya ng pagsiguro na napapangalagaan din ang kanilang mental health.

Nakiisa rin si Robredo sa paggunita ng Araw ng Kagitingan noong April 9 at kinilala ang tapang ng mga bayaning ipinaglaban ang kasarinlan ng bansa.

Kagaya ng tapang ng mga bayani, nagpasalamat din si Robredo sa tapang ng mga Pilipinong nakikiisa sa ipinaglalaban niyang pagkakaroon ng gobyernong tapat at pag-angat ng buhay ng bawat Pilipino.

Facebook Comments