Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa hanay ng Philippine Army ang kanyang suporta para mas mapalakas pa ang kanilang kapabilidad at matiyak ang kapakanan nang kanilang mga pamilya.
Ginawa ng pangulo ang pahayag na ito sa pagdalo sa ika-61st anniversary ng Special Forces Regiment Airborne o SFRA ng Philippine Army sa Palayan City, Nueva City nitong weekend.
Sa talumpati ng pangulo, sinabi nitong ginagawa na rin ng gobyerno ang Riverine Operations Equipment Project o ROEP para mapaganda pa ang SFRA partikular ang ginagawang extraction ng special forces troops para sa rescue at iba pang special military operations.
Ayon sa pangulo ang ROEP ay bahagi ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines.
Facebook Comments