SUPORTA PARA SA 1,500 NA SOLO PARENTS SA BAYAMBANG, NAGPAPATULOY

Nasa higit isang libo o 1,500 na mga solo parents sa bayan ng Bayambang ang nakibahagi sa isinagawang oryentasyon ukol sa kanilang mga karapatan mula at patuloy na suporta sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Tinalakay sa naturang aktibidad ang mga karapatan at batas na pumoprotekta sa mga solo parents at maging ang mga benepisyo ng mga ito.

Kasama na rin dito ang pagbibigay kaalaman sa mga ito kung papaano at ano ang mga ipapasang dokumento upang maiparehistro sa tanggapan na sila’y solo parent.

Namahagi rin ng mga ID sa mga solo parents ang MSWDO pati na rin ang mga nakapasa sa massive validation na siyang isinagawa naman noong nakaraang taon.

Tinitiyak naman ng lokal na pamahalaan na pantukoy ang kanilang magiging suporta sa mga solo parents sa bayan upang mabigyan pa ng karagdagang oportunidad at benepisyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments