Suporta para sa local production ng COVID-19 vaccines, ipinanawagan ng isang kongresista

Nananawagan ng suporta si Assistant Majority Leader at Quezon City Representative Precious Hipolito-Castelo sa pamahalaan at sa publiko na suportahan ang local production ng COVID-19 vaccines.

Naniniwala si Castelo na kung magkakaroon ng kakayahan ang bansa na makapag-produce ng sariling COVID-19 vaccines ay tiyak na mabilis na makakamit ng Plipinas ang herd immunity.

Ayon pa kay Castelo, magsisilbi itong ‘game changer’ sa paglaban sa pandemya gayundin sa madaling pag-ahon ng ekonomiya at pagbabalik sa normal na pamumuhay.


Sinabi pa ng kongresista na hindi mawawalan ang bansa ng suporta mula sa mga negosyanteng handang mamuhunan para sa domestic manufacturer ng bakuna.

Katunayan aniya ay isang business tycoon na ang nagpahayag ng kahandaan na suportahan ang malaking hakbang na ito at umaasa na susundan din ito ng iba pang mga malalaking investors at businessman sa bansa.

Kumpyansa rin ang lady solon na sa pamamagitan ng ‘domestic vaccine production’ ay maraming trabaho ang malilikha para sa mga Pilipino.

Pero, bago naman masimulan ang lokal na produksyon ng bakuna ay kailangang alisin muna ng international pharmaceutical companies ang patent restrictions at ibahagi sa buong mundo ang mga pagsasaliksik at iba pang pag-aaral kaugnay sa COVID-19 vaccine.

Facebook Comments