SUPORTA PARA SA MGA ANAK AT TAGAPAG-ALAGA NG OFWs SA DAGUPAN CITY, IPINATUTUPAD

Inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang isang ordinansa na magbibigay ng direktang suporta hindi lang sa mga anak ng Overseas Filipino Workers (OFWs) kundi pati sa kanilang mga tagapag-alaga.

Sa datos ng lungsod, umaabot sa 2,843 OFWs sa lungsod, kabilang ang mga hindi rehistrado, ang saklaw ng programa.

Sa ilalim ng bagong programa, isasailalim sa profiling ang mga mapipiling benepisyaryo upang matukoy ang kanilang pangangailangan mula sa serbisyong pangkalusugan hanggang sa agarang suporta sa oras ng sakuna at emerhensiya.

Bukod dito, pagtutunan din ang emotional at social well-being ng mga bata, sa pamamagitan ng monitoring at development programs ng lungsod.

Kaugnay nito, pangungunahan ng City Migrant Desk ang implementasyon, katuwang ang PESO, City Social Welfare and Development Office at mga barangay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments