Suporta para sa mga sektor na apektado ng pagbabago ng presyo ng langis, hindi ipagdadamot ng Palasyo

Tiniyak ng Malacañang na hindi ipagdadamot ng pamahalaan ang tulong para sa mga sektor na apektado ng pagbabago ng presyo ng langis.

Tugon ito ng Palasyo sa pagkadismaya ang ilang transport groups dahil hindi na matutuloy ang pamamahagi ng gobyerno ng fuel subsidy.

Ayon kasi sa grupong Manibela, ramdam ng mga drivers at operators ang second tranche ng fuel price hike na nakatakda ngayong linggo.

Pero sabi ni Palace Press Officer Claire Castro, nakikinig naman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa hinaing ng mga transport groups at prayoridad nito ang kapakanan ng mga PUV drivers at operators.

Gayunpaman, may sinusunod aniyang panuntunan sa pamamahagi ng fuel subsidy na nakasaad sa batas.

Kailangan aniyang pumalo ito sa 80 dollars per barrel para ma trigger ang pagpapagana sa fuel subsidy.

Sa kasalukuyan ay pumalo sa 65 hanggang 68 US dollar per barrel ang presyo ng langis sa world market.

Facebook Comments