Suporta para sa muling pagbuhay sa Bicol Express, hiniling ng isang kongresista sa kanyang mga kasamahang mambabatas

Umapela si Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan sa mga kasamahang mambabatas na suportahan ang reconstruction ng dating sikat na Bicol Express rail line na pinamamahalaan ng Philippine National Railways (PNR) mula Maynila hanggang Albay.

Sa pamamagitan ng isang privilege speech ay binigyang diin ni Yamsuan ang mga benepisyo at oportunidad para sa mamamayan ng Bicol at mga kalapit na probinsya sa oras na maibalik ang operasyon ng Bicol Express line mula Banlic, Laguna patungong Daraga, Albay.

Ayon kay yamsuan, ang Bicol Express Line ay tiyak na magpapabilis sa oras ng transportasyon na mas ligtas, komportable at abot-kaya para sa mga pasahero.


Ibinida rin ni Yamsuan ang magiging ambag ng Bicol Express line sa pagpapalakas ng ating ekonomiya at turismo bukod sa siguradong magbibigay ito ng trabaho at kabuhayan sa mga residente sa rehiyon.

Dagdag pa ni Yamsuan, makakatulong din ito sa pagbawas ng carbon footprint ng Pilipinas kumpara sa mga sasakyang gumagamit ng gasolina at bumabagtas sa kaparehong ruta.

Facebook Comments