Suporta para sa nano businesses o maliliit na Negosyo, hiniling ni PBBM sa ASEAN member states

Humingi ng suporta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga miyembro at lider ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit na tulungan ang mga nano businesses o ang mga maliliit na negosyo.

Sa intervention ng pangulo sa ASEAN Leaders’ Interface kasama ang mga representatives ng ASEAN Business Advisory Council, sinabi nitong ang nano businesses ay ang mga negosyong hindi nabibigyan pansin pero may malaking impact sa buhay ng bawat tao sa rehiyon.

Inilarawan ng pangulo ang nano businesses na mga solopreneurs na malimit ay home – based businesses katulad ng make-up artists, vulcanizers, independent dispatch riders, vendors, repairers, at mga nagtitinda sa palengke.


Giit nang pangulo sa harap ng mga representatives ng ASEAN Business Advisory Council, mahalaga ang mga maliliit na negosyo na ito kaya umaapela ang pangulo sa member states na huwag kakalimutang tulungan ang mga nano businesses.

Nakakatulong ang mga ito ayon sa pangulo para sa overall economic growth at development gap ng buong rehiyon.

Samantala, sa panig naman ni ASEAN Business Advisory Council Chair Mohammad Arsjad Rasjid Prabu Mangkuningrat, sinabi niyang suportado niya si Pangulong Marcos Jr., dahil sa pagkilala at suporta nito sa nano businesses o mga malilit na negosyante.

Ang pangulo ay pabalik na ngayong araw sa Pilipinas mula sa dalawang araw na pagdalo sa 42nd ASEAN Summit sa Indonesia.

Facebook Comments