Suporta para sa pagtataguyod ng International Humanitarian Law, pinagtibay ni PBBM

Pinagtibay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pangako ng Pilipinas na patuloy na susuportahan ang pagtataguyod ng pagrespeto sa International Humanitarian Law.

Sa courtesy call sa Malacañang, inihayag ng pangulo kay International Committee of the Red Cross (ICRC) President Mirjana Spoljaric Egger, ang papel ng Pilipinas sa pangangalaga sa kultura ng pagrespeto sa International Humanitarian Law sa Asia Pacific Region.

Ayon kay Pangulong Marcos, mahalaga ang boses ng Pilipinas sa pagtataguyod ng kapayapaan at dayalogo sa harap ng nararanasang humanitarian crisis at armed conflict sa iba’t ibang parte ng mundo.

Tiniyak ng pangulo ang patuloy na pagtataguyod ng bansa sa prinsipyo ng international humanitarian law, na naka-angkla sa kapayapaan, seguridad, at dignidad.

Ipinatawag sa Malacañang ICRC President kasunod ng ginanap na International Humanitarian Law (IHL) Asia Pacific Regional Conference nitong buwan, kung saan nagsilbing co-host ang Pilipinas.

Sa ngayon, kabilang ang Pilipinas sa anim na bansa sa Asia Pacific na may permanent national committee para sa International Humanitarian Law.

Facebook Comments