Pinalalakas ng Local Government Unit (LGU) ng Bautista ang suporta sa mga academic achievers ng bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng cash incentive bilang pagkilala sa kanilang sipag, talino, at dedikasyon sa pag-aaral.
Ayon sa LGU, saklaw ng programa ang mga graduate na nagtapos na may Latin Honors at ang mga Top Board Passers ngayong 2025, na layong bigyang-inspirasyon ang mga kabataang patuloy na nagsusumikap sa larangan ng akademya.
Upang maging kwalipikado sa insentibo, kinakailangang magsumite ng kumpletong requirements ang mga benepisyaryo sa MSWD Office ng bayan.
Itinakda ang huling araw ng pagsusumite ng mga dokumento sa Huwebes, Disyembre 18, hanggang alas-12 ng tanghali.
Hinikayat naman ng LGU ang mga karapat-dapat na achievers na samantalahin ang programang ito bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas sa edukasyon sa bayan.





