Tiniyak ni Turkish Ambassador to the Philippines Niyazi Eyren Akyol kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Andres Centino, ang tuloy na tuloy na suporta ng Turkey sa AFP Modernization program.
Ang pagtiyak ay ginawa ni Akyol sa kanyang courtesy call kay Gen. Centino sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo kahapon.
Sa naturang courtesy call, napag-usapan ang kakayahan ng Turkish Defense Industry na magsupply ng mga modernong kagamitang pandigma.
Nagpasalamat naman si Gen. Centino sa tulong ng Turkish government sa Philippine Air Force (PAF) Attack Helicopter o AHAP T129 acquisition at Philippine Army (PA) M113 APC Fire Power Upgrade project.
Plano rin ni Gen. Centino na palawakin ang kasalukuyang Memorandum of Understanding on Defense Industry Cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Turkey para sumaklaw sa mas malawak na koopersasyong militar sa pagitan ng dalawang magkaibigang bansa.