Suporta sa ‘Bagong Pilipinas’, vision ni PBBM pinaigting ng 11 Visayas governors

Bilang pagpapakita ng pagkakaisa bago ang 2025 elections, may kabuuang 11 governors mula sa Visayas region ang muling nagpahayag ng suporta sa administrasyon ni Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa isang luncheon meeting noong Enero 30, 2025.

Ang mga governor na dumalo sa pagpupulong ay lumagda sa isang manifesto na nagpapatibay sa kanilang suporta sa administrasyon ni Pangulong Marcos at sa kanyang bisyon para sa  “Bagong Pilipinas.” Binigyang-diin sa manifesto ang mahahalagang  hakbang na ginawa ng Marcos government sa national development, economic recovery, at  regional growth.

“Recognizing the remarkable progress the Marcos administration has achieved in advancing national development, driving economic recovery, and fostering regional growth, we wholeheartedly affirm our commitment to his leadership and vision for a ‘Bagong Pilipinas’—a government rooted in principles, accountability, and reliability, strengthened by unified societal institutions working toward a stronger, more prosperous, and united nation,” nakasaad sa manifesto.


Binigyang-diin din ng mga governor ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pagtiyak sa patuloy na pag-unlad.

“The new era of good governance demands collective effort to build a progressive nation, strengthen our economy, and secure a better future for Filipinos,” dagdag pa nila.

Ang mga governor na dumalo sa manifesto signing ay kinabibilangan nina  Gov. Gwendolyn Garcia ng Cebu, Gov. Jose Enrique Miraflores ng Aklan, Gov. JC Rahman Nava ng Guimaras, Gov. Erico Aristotle Aumentado ng Bohol, Gov. Eugenio Jose Lacson ng Negros Occidental, Gov. Manuel L. Sagarbarria ng Negros Oriental, Gov. Jake Vincent Villa ng Siquijor, Gov. Ben Evardone ng Eastern Samar, Gov. Jericho Petilla ng Leyte, Gov. Sharee Ann Tan ng Samar, at Gov. Damian Mercado ng Southern Leyte.

Noong 2024, isang kaparehong manifesto of support ang nilagdaan ng siyam na  Visayas governors, na nagpalakas sa pagsuporta nila sa  agenda ng Marcos administration.

Ang luncheon meeting na ito ay isa sa apat na events na dinaluhan ni Presidente Marcos at ng kanyang Special Assistant, Anton Lagdameo,  bilang bahagi ng kanyang unang pagbisita sa Cebu ngayong taon.

Facebook Comments