Suporta sa bawat business owners, susi sa tagumpay ng mga negosyo

Suporta sa isa’t isa, ito ang ipinunto ng owner ng Shawarma Corner lalo na pagdating sa negosyo.

Sa interview ng bagong programang Business as Usual dito sa Radyo Trabaho, sinabi ni Laarni Ruzol na nagsimula siya nang hikayatin ng asawa na magbenta ng kaniyang lutong Shawarma online.

Nagkataon naman na nagtatrabaho ang kaniyang asawa sa Local Government Unit (LGU) ng Real Quezon kung kaya’t ito ang mga unang naging customer ng Shawarma Corner.


Kasunod nito, sumali na rin si Laarni sa iba’t ibang groups sa Facebook kung saan miyembro din dito ang ibang may-ari ng negosyo mula sa Real, Quezon.

Facebook Comments