SUPORTA SA CARABAO RAISERS SA ALAMINOS CITY, PINATATAG SA PAGBABAHAGI NG 16 KALABAW

Pinatatag ang suporta sa mga carabao raisers sa Alaminos City matapos ipamahagi ang karagdagang 16 na kalabaw sa mga benepisyaryo at miyembro ng Alaminos City Carabao Raisers Agriculture Cooperative (ACCRACO).

Ang pamamahagi ay isinagawa sa ilalim ng programa ng Department of Agriculture–Philippine Carabao Center (DA-PCC), katuwang ang pamahalaang lungsod at ang 1st Congressional District Office.

Idinaos ang pormal na turn-over ceremony sa Brgy. San Roque na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa sektor ng agrikultura at lokal na pamahalaan.

Ayon sa mga benepisyaryo, malaking tulong ang programa sa pagpapalakas ng kanilang kabuhayan, lalo na sa paghahanda sa planong pagbubukas ng Dairy Box sa lungsod sa susunod na taon.

Layunin ng programa na mapaunlad ang industriya ng pag-aalaga ng kalabaw at mapataas ang produksyon ng gatas bilang bahagi ng pangmatagalang pagsisikap na palakasin ang agrikultura at kabuhayan ng mga magsasaka sa Alaminos City.

Facebook Comments