Suporta sa desisyon ni PBBM sa peace negotiation, pinanindigan ng liderato ng Kamara

Hindi natitinag ang 100 porsyentong suporta ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na muling buksan ang negosasyon para sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at mga rebelde grupo.

Sa kanyang mensahe sa pagpapailaw ng malaking Christmas tree sa Batasan Pambansa kagabi ay binigyang-diin ni Romualdez na mahalaga ang kapayapaan sa pag-unlad ng bansa kaya dapat itong subukang makamit.

Sa kanyang inilabas na statement ay nanawagan din si Speaker Romualdez sa lahat ng Pilipino na magsama-sama sa pagsuporta sa peace process.


Ayon kay Romualdez, ang pagpasok sa negosasyon ay isang hakbang upang tangkaing mapag-isa ang pagkakahati ng bansa.

Giit pa ni Romualdez, tama na ang digmaan, dahil pagod na ang mga mamamayan sa kaguluhan at sa halip ay bigyan ng pagkakataon ang kapayapaan.

Facebook Comments