Manila, Philippines – Magbibigay ng mahigit P240 milyon ayuda sa susunod na linggo ang European Union para suportahan ang drug rehabilitation program ng Pilipinas.
Ito ay sa kabila ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na tatanggap ng anumang tulong mula EU dahil sa pangingialam sa war on drugs.
Ayon kay European Commission’s Directorate General for International Cooperation and Development Director General Stefano Manservisi, bagaman tutol sa patayan sa pilipinas, nais nilang makatulong sa rehabilitasyon ng mga drug users.
Tiniyak rin ni Manservisi na tuloy ang mga energy project ng EU sa Mindanao na nagkakahalaga ng 170 million euro.
<#m_-1154853775176716277_m_-7794530096410576515_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>
Facebook Comments