Umaarangkadang muli ang scholarship program sa lungsod ng Dagupan sa patuloy na pagtiyak ng suporta sa mga kabataang Dagupeños.
Alinsunod dito, nakatakdang ipulong ng LGU sa pangunguna ng alkalde ang mga nais mapabilang sa programa sa itinakdang schedule sa bawat barangay.
Muling ipinaalala ang ilang mga kwalipikasyon tulad ng kabilang sa indigent family, residente ng lungsod, walang bagsak na grado at iba pa.
Nauna nang inihayag ng lokal na pamahalaan ang target nitong dagdagan pa ang bilang ng mga scholars sa lungsod sa susunod na taon.
Samantala, inaasahan din na iaapela ng alkalde ang Revisit of the Scholarship Ordinance sa Sangguniang Panlungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







