Malaki ang pagasa ni Senator Francis Tolentino na lalakas pa ang suporta sa panukalang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) kasunod ng giyera sa pagitan ng Israel at Hamas.
Tinukoy ni Tolentino na nang magdesisyon ang Israel na tuluyang lusubin at puksain ang Hamas, nasa 360,000 na reservists ang tumugon sa tawag ng gobyerno.
Sa Israel kasi ay mandatory ang military training bago tumuntong ng Kolehiyo.
Sa naturang labanan ay sinabi ni Tolentino na makikita ang kahalagahan na maging laging handa ang mga mamamayan at ang pagkakaroon ng reserve force.
Bukod sa palaging handa ang bansa sa anumang kaguluhan ay itinuturing din na backbone ng depensa o sandatahang lakas ang reserve force ng isang bansa gaya na lamang sa Israel.
Kabilang ang Mandatory ROTC Bill sa priority measures ng administrasyong Marcos at sa ngayon ay nasa punto pa ito ng ‘period of interpellation’ para sa pagapruba sa ikalawang pagbasa ng mataas na kapulungan.