Pinagtibay ng ika-10 Buntis Congress sa Mangaldan ang suporta para sa kalusugan at kapakanan ng mga buntis sa bayan.
Umabot sa 256 buntis ang lumahok kahapon, Nobyembre 25, kabilang ang pinakamatanda, 47 taong gulang, at pinakabata, 15 taong gulang, na parehong nakatanggap ng kumpletong maternal kits.
Namahagi ang LGU ng maternal kits na naglalaman ng gatas para sa buntis, bitamina, damit ng sanggol, at iba pang pangangailangan.
Binigyan din ng karagdagang gatas ang mga buntis na nasa unang hanggang ikatlong buwan ng pagbubuntis.
Bahagi rin ng programa ang pagtuturo ng Municipal Health Office tungkol sa maternal, oral, at mental health upang matiyak ang kalusugan ng ina at sanggol.
Kasabay nito, ipinakilala ng PhilHealth Local Health Insurance ang Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP) na nagbibigay ng libreng benepisyo tulad ng primary care check ups, laboratory tests, gamot, at screening sa mga accredited clinics, kabilang ang Mangaldan Primary Care Facility.








