Suporta sa mga healthcare workers, mapapalakas kapag naisabatas ang Bayanihan 2

Tiwala si National Policy against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. na mapapanatili ang suporta sa mga healthcare workers sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One o Bayanihan 2.

Ayon kay Galvez, mayroong ₱10 million na nakalaan para sa testing habang ₱17 million para sa contact tracing sa ilalim ng Bayanihan 2.

Pagtitiyak din ni Galvez na patuloy ang pagbili ng medical supplies at Personal Protective Equipment (PPE).


Sinisilip na rin nila ang ilang ulat na may ilang contractual workers at contact tracers ang hindi nakakatanggap ng kanilang sahod.

Batay sa panukalang batas, binibigyan ng kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na mag-reallocate ng ilang bahagi ng 2019 at 2020 budget sa pandemic response ng Pamahalaan.

Facebook Comments