SUPORTA SA MGA MAGSASAKA SA DAGUPAN CITY, PINALAKAS; BINHI AT PATABA, IPINAMAHAGI SA 140 BENEPISYARYO

Pinalakas ng pamahalaang lungsod ng Dagupan ang suporta sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pamamahagi ng binhi at pataba sa 140 magsasaka mula sa mga barangay ng Salisay, Mangin, at Malued.

Isinasagawa sa City Plaza ang pamamahagi ng certified seeds, hybrid seeds, complete fertilizer, at ammonium sulfate fertilizer na naglalayong mapataas ang produksyon ng palay at matulungan ang mga magsasaka sa nalalapit na taniman.

Bukod dito, tumanggap din ng tig-₱3,000 na tulong pinansyal at Noche Buena packages ang kabuuang 175 magsasaka bilang karagdagang suporta sa kanilang kabuhayan ngayong Kapaskuhan.

Ayon sa pamahalaang lungsod, bahagi ito ng patuloy na programa upang palakasin ang lokal na produksyon ng pagkain at tiyaking may sapat na tulong ang mga magsasaka sa Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments