Suporta sa mga magsasaka, tiyak na hindi maapektuhan sa kabila ng tapyas sa taripa sa imported na bigas

Tiniyak nina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Committee on Agriculture and Food Chairman, Quezon Rep. Mark Enverga na hindi maaapektuhan ang suporta ng pamahalaan sa ating magsasaka.

Ito ay kahit binawasan ang taripa na ipinapataw sa imported na bigas na syang pinagkukuhanan ng pondo para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF na pantulong sa mga magsasaka.

Pahayag ito nina Romualdez at Enverga matapos ang kanilang pulong, kasama ang iba pang mga lider ng Kamara sa mga opisyal ng Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, Bureau of Customs at mga malalaking retailers ng bigas at iba pang produkto.


Facebook Comments