Isinagawa sa San Fabian ang pagdiriwang ng World Down Syndrome Day kahapon, Marso 23, 2026, upang itaguyod ang suporta at inklusibidad para sa mga indibidwal na may Down Syndrome.
Sa ilalim ng temang “Together Against Loneliness,” nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng iba’t ibang aktibidad tulad ng coloring at dance session, kung saan aktibong nakilahok ang mga bata, ipinapakita ang kanilang kasiyahan at kagalakan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng programa na palakasin ang kamalayan sa karapatan at pangangailangan ng mga nasa spectrum, at ipakita ang kahalagahan ng pagbuo ng isang komunidad na walang napang-iiwanan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








