SUPORTA SA MGA OFW, TINIYAK NG LGU MANAOAG

Kinilala sa bayan ng Manaoag ang itinuturing na makabagong mga bayani – ang mga OFWs alinsunod sa ginanap na ikalabing-isang anibersaryo ng Manaoag OFW Family Association.

Tiniyak ng lokal na pamahalaan, maging ang Pamahalaang Panlalawigan ng suporta sa mga OFWs sa bayan.

Ilan pa sa inisyatibo ng LGU ay ang pang-edukasyon at pangkabuhayang tulong sa mga OFW at pamilya ng mga ito.

Kabilang din ang mga resolusyon para sa repatriation at seed money, pagtatatag ng OFW Association at ang benepisyo sa pagkakaroon ng Pangasinan Migration and Development Council. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments