Tuesday, February 17, 2026

Suporta sa mga pamilya ng 4 na pulis na nasawi sa aksidente sa Misamis Occidental, tiniyak ng PNP

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang full assistance sa mga pamilya ng 4 na pulis na nasawi sa nangyaring aksidente sa kalsada sa Misamis Occidental.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., sasagutin ng PNP ang medical expenses ng mga sugatang pulis at maglalaan rin ng support system sa mga anak naman ng mga pulis na nasawi.

Samantala,inatasan din ni Nartatez ang lahat ng police commanders na tiyakin na ang lahat ng sasakyan ay namimaintain ng tama para masiguro ang roadworthy ng lahat ng mobility assets ng PNP.

Nagpahayag din ng pakikiramay si Nartatez sa mga naiwang mahal sa buhay ng mga nasabing biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon nasawi ang 4 na pulis at isang sibilyan matapos mahulog ang kanilang sinasakyang mobile patrol sa bangin sa Don Victoriano nakaraang biyernes.

Ayon sa mga otoridad, ang nasabing sasakyan ay may lulan na 7 personnel mula sa 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) at 3 sibilyan na pawang empleyado ng Provincial Tourism Office kung saan ang nasabing sasakyan ay itinalaga para sa seguridad ng mga organizers sa isang event.

Facebook Comments