SUPORTA SA MGA PAMILYA NG MGA MANGINGISDANG APEKTADO NG RED TIDE SA ANDA AT BOLINAO, SINIGURO NG BFAR

Siniguro ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang patuloy na suporta sa mga pamilya ng mangingisdang apektado ng red tide sa mga bayan ng Anda at Bolinao, Pangasinan.

Nakatanggap ng food packs ang 744 na pamilya ng mangingisda sa pamamagitan ng pagtutulungan ng BFAR Regional Fisheries Office 1, mga lokal na pamahalaan, at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ipinagkaloob ang tulong bilang bahagi ng tugon ng pamahalaan sa red tide phenomenon na pansamantalang nagbabawal sa pangongolekta at pagbebenta ng shellfish sa naturang mga lugar.

Ayon sa BFAR, layunin ng inisyatiba na matulungan ang mga komunidad sa baybayin na naapektuhan ng naturang environmental disruption habang nagpapatuloy ang koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan upang maabot pa ang iba pang apektadong mangingisda.

Tiniyak din ng BFAR Region 1 ang patuloy na pagbabantay sa sitwasyon ng red tide sa karagatang sakop ng Pangasinan kasabay ng pagpapatupad ng mga hakbang upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga mangingisda. c |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments